DOCTORS TO THE BARRIO, DUTY SA CEBU (Tutulong  sa pagsugpo ng COVID-19)

Maria Rosario Vergeire

PINULL-OUT  muna ng Department of Health (DOH) ang mga ‘Doctors to the Barrios” (DTTBs) mula sa kani-kanilang pinasisilbihang lalawigan at dinala sa Cebu City upang tumulong sa pagsugpo ng dumaraming kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kasunod na rin ito ng ulat na nao-overwhelmed na ang health care system sa Cebu City sa pagdagsa ng COVID-19 cases.

“Following reports of CHD 7 Director Bernadas that the Cebu City health care system is overwhelmed with patient load at the moment, issued a directive to deploy doctors including DTTBs,” ani Vergeire.

Ang desisyon ay sinang-ayunan din  nina National Task Force Secretary Carlito Galvez at Cebu Overseer Secretary Roy Cimatu.

Paglilinaw naman ni Vergeire, kahit pinull-out sa mga lalawigan ang  DTTBs ay hindi nanga­ngahulugan na mawawalan na ng mga doktor sa mga munisipalidad dahil mayroon pa rin naman silang municipal-hired doctors.

“The assigned doctors are rural health physicians (RHP) and not municipal health officers (MHO). Meaning the municipality they serve already has a municipal-hired doctor ensuring that the municipalities they serve will not be left doctorless during their assignment,” paliwanag pa niya.

Pansamantala  lamang ang magiging pamamalagi sa Cebu ng  DTTBs na magbibigay lamang ng tulong, tulad ng ginawa nila sa Marawi City at noong bagyong Yolanda sa Leyte.

Samantala, inilarawan naman ni Joint Task Force COVID-19 Shield Commander P/LtG. Guillermo Eleazar  na tila naging ghost town ang buong lungsod ng Cebu na nakapailalim pa rin sa enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi nito na ma­ganda ang kasaluku­yang sitwasyon sa lungsod para ganap na mapigilan ang pagkalat ng CO­VID-19.

Itinanggi ng heneral na  may militarisasyon sa lugar sa pagpapakalat ng tropa ng Special Action Force ng PNP at sundalo.

“Hindi naman ibig sabihin na kapag andyan ay manghuhuli na ang mga pulis natin. Alam n’yo po ang SAF, their presence and deployment is a tried and tested formula na nagamit natin dito noong kasagsagan ng ECQ  sa Metro Manila last April. Nakita naman natin na wala naman silang inaresto eh,” ani Eleazar.

Tututukan nila ang mahigpit na pagpapatupad ng checkpoints at sasalain  ang mga lumalabas na authorized persons outside of residence upang hindi maikalat pa ang COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ, VERLIN RUIZ

7 thoughts on “DOCTORS TO THE BARRIO, DUTY SA CEBU (Tutulong  sa pagsugpo ng COVID-19)”

  1. 241707 858161Id ought to seek advice from you here. Which is not something I do! I adore reading an post that could make men and women feel. Also, several thanks allowing me to comment! 503494

  2. 132650 897686We dont trust this wonderful submit. Nevertheless, I saw it gazed for Digg along with Ive determined you could be appropriate so i ended up being imagining within the completely wrong way. Persist with writing top quality stuff along these lines. 86722

  3. 407026 551673The truth is and see if the Hcg diet protocol and as a consequence HCG Drops surely are a in fact quick approach to be able to shed pounds; although the healthy diet has a strong will most likely moreover sizable focus to undertake positive. hcg diet drops 313027

Comments are closed.