NILAGDAAN ng Department of Energy (DOE), Bureau of Customs (BOC), at ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang memorandum of agreement (MOA) para palakasin ang programa ng pamahalaan laban sa oil smuggling sa pamamagitan ng information exchange and reconciliation.
Ang MOA ay nilagdaan ng mga ahensiya nitong Mayo 27.
Pinormalisa ng kasunduan ang patuloy na pagtutulungan ng DOE, BOC at BIR sa pagtugis sa mga oil smuggler sa kanilang pangako na magpapalitan ng impormasyon at ire-reconcile ang volumes ng imported at exported crude oil, finished petroleum products at bioethanol, denatured imported bioethanol, at inventory reports.
Sa ilalim ng MOA ay isang Information Exchange and Reconciliation Committee ang bubuuin.
Kabilang sa mga gawain ng komite ang paglikha ng isang standard reporting at reconciliation format para sa epektibo at episyenteng reconciliation ng mga impormasyong ipinagkaloob ng lahat ng partido.
Imo-monitor at ire-report din ng komite ang anumang discrepancies o variance sa impormasyong ipinagkaloob ng mga partido para sa reconciliation and further investigation
Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na ang pagpapatupad ng epektibong anti-fuel smuggling program ay nangangailangan ng maigting na pagtutulungan sa pagitan ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.
“Together, we must arrive at an aligned and comprehensive solution to this pervasive problem, which, I believe, begins with reconciling and consolidating the data and reports of the DOE, the BOC, and the BIR,” ani Cusi.
Sa kanyang panig ay sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng DOE at ng pangunahing revenue agencies ng pamahalaan ay makatutulong sa pagpapatupad ng kauna-unahang nationwide fuel marking program at lalong magpapaigting sa giyera nito kontra oil smuggling.
Ayon kay Dominguez, magreresulta naman ito sa pagtaas ng revenue collections, habang sinisiguro ang patas na kumpetisyon sa mga kompanya ng langis.
Keep this going please, great job!