TINAPOS ng Philippine Competition Commission (PCC) ang three-way partnership sa pagsasagawa ng coordinated investigation sa electric power industry.
Sinabi ng anti-trust watchdog kamakailan na pumirna na sila sa isang memorandum of agreement (MOA) sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kumokompleto sa three-way partnership na kasama ang Department of Energy (DOE).
“Our MOA with ERC exhibits how the competition agency and sector regulators play complementary roles in promoting competition in the sector while fulfilling their respective mandates,” ani PCC Chair Arsenio Balisacan.
“Our partnership allows for the sharing of information and coordination of enforcement actions toward a more robust competition landscape in the energy sector,” dagdag niya.
Ang partnership ng PCC-ERC ay pumapayag ng pagsasagawa ng joint fact-finding inquiries na may kaugnayan sa mga bagay ukol sa kompetisyon sa industriya.
Pinagtibay na rin ang konsultasyon sa mga institusyon o kompanya tulad ng Philippine Electricity Market Corporation, National Grid Corporation of the Philippines, at generation companies para makakuha ng mga napapanahong impormasyon.
Ayon sa komisyon, ang DOE-ERC-PCC tripartite task force ay ginawa na una pa sa kasunduan na magkaroon ng koordinasyon ang mga katanungan hinggil sa alegasyon ng abuso o pangingibabaw sa posisyon ng mga gustong kumontrol sa power industry.
“The PCC and ERC recognize the merit of adopting a coordinated approach toward the shared goal of promoting competition in the power industry,” ani Balisacan.
“We are confident our combined expertise and investigative capacities will lead to a stronger push for competition enforcement in this critical sector,” dagdag aniya pa.
Comments are closed.