DOE KINALAMPAG SA ENERGY SECURITY

Sen-Win-Gatchalian

KINALAMPAG ni Senador  Win Gatcha­lian ang Department of Energy (DOE) para matiyak ang energy security ng bansa matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado na nagiging dahilan ng pagtaas ng inflation rate sa bansa.

Inihain  ni Gatchalian ang Senate Resolution bilang 916 na nagnanais na magpatawag ng pagdinig sa Senado upang malaman kung ano ang mga plano at mga estratehiya ng DOE upang masiguro ang energy security at self sufficiency ng enerhiya sa bansa.

Sa kanyang resolusyon, iginit ni Gatcha­lian na higit na kailangan ng energy security para malabanan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa world market.

Paliwanag ng senador, 44.7% ang ini-import na produktong petrolyo mula sa ibang bansa na ginagamit bilang energy supply.

Sa kanyang resolusyon ay  sinabi ng senador, ang DOE ang naatasan na bilang mandato nito na siguraduhin ang supply ng enerhiya sa bansa at kung maari maging self sufficient ang gobyerno rito.

Aniya, sa pamamagitan ng mga exploration sa ating nasasakupan maaring  magdagdagan ang enerhiya na dapat na agarang isinusulong ng DOE bukod pa rito ang koordinasyon sa mga iba’t ibang programa ng gobyerno para maging ganap na self sufficient at hindi umaasa sa importasyon ng petrolyo mula sa ibayong dagat. VICKY CERVALES

Comments are closed.