SUMIPA ng dalawang magkasunod na linggo ang presyo ng langis dahil sa mga pangyayari sa ibang bansa at ang hirap sa presyo ay maaaring magtagal pa, ayon sa Department of Energy (DOE) kamakailan.
Ang pag-angkat sa Iran, ang pangatlo sa pinakamalaking oil producer, ay nahinto dahil sa bagong pahintulot mula sa US, habang bumababa ang output mula Venezuela dahil sa ‘di kasiguruhang estado ng kanilang usaping politikal at ekonomiya, pahayag ni Energy Usec Donato Marcos.
Hininto din ng Organization of the Petroleum Exporting Countries at kanilang kaalyado, ang Russia, nitong unang buwan ng taon.
“Iyong mga nasabi ko pong galaw sa international market, e medyo parang matagal po,” sabi niya.
“Nagsasagawa ng sabay-sabay na maintenance program operations ang oil refineries sa rehiyon,” dagdag niya.
Nag-anunsiyo na ang mga kompanya ng langis ng panibagong round ng dagdag-presyo mula ika-6 ng umaga sa Martes: P1.60 kada litro ng gasolina; P1.15 kada litro ng diesel at P1 bawat litro ng kerosene.
Maaaring suspendihin ang dagdag na excise taxes sa krudo sa ilalim ng tax reform law kung ang presyo ng krudo sa international market ay mananatiling $80 bawat barrel sa loob ng tatlong buwan, pahayag pa ni Marcos.
Patuloy ang pagmomonitor ng DOE sa local prices at sila ay nakatakdang makipag-meeting sa oil play-ers, ani pa niya.
Comments are closed.