HINIKAYAT ni Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla ang mga sambahayan at negosyo na palawakin at palalimin pa ang pagtitipid sa koryente sa gitna ng El Niño phenomenon.
Sinabi ni Lotilla na ang temperature at heat index ay tumaas ng 1 hanggang 2 degrees Celsius sa panahon ng El Niño, na nagpataas sa paggamit ng koryente sa panahong ito.
“President Ferdinand Marcos Jr. has emphasized the need to expand and deepen the practice of energy and conservation to mitigate power demand. He appealed to Filipinos to conserve energy and create a culture of responsible usage of electricity as power supply projections may still change, even if we have adequate projection, due to extreme temperatures during the height of summer that will be exacerbated by El Niño,” pahayag ni Lotilla sa isang statement.
Ayon sa Electric Power Industry Management Bureau, ang peak demand sa Luzon, Visayas at Mindanao grids ay tataas sa susunod na taon sa to 13,917 megawatts, 2,891 MW, at 2,584 MW, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Ang peak demand sa lahat ng grids sa 2024 ay magiging mas mataas sa peak demand ngayong taon na 12,550 MW sa Luzon, 2,458 MW sa Visayas at 2,315 MW sa Mindanao.
Kabilang sa energy conservation efforts na maaaring gawin ay ang pag-unplug sa hindi ginagamit na kasangkapan tuwing peak hours, paggamit ng light-emitting diode (LED) lights at pamamalantsa tuwing off-peak hours.
Sa panahon ng El Niño phenomenon, na sa pagtaya ng weather bureau expects ay tatagal hanggang sa second quarter ng 2024, hinimok din ni Lotilla kapwa ang households at business establishments na gumamit ng koryente mula sa araw sa pamamagitan ng paglalagay ng solar panels sa mga bubungan.
“As we face the challenging period where we would need the support of everyone, we must therefore be conscious in our use of electricity,” aniya.
Nakipagpulong din ang energy chief sa lahat ng attached agencies nito noong Lunes para bumuo ng critical infrastructures, tulad ng mga ospital, blood banks, bangko at water pumping stations, na maaaring maapektuhan sa panahon ng El Niño.
Inatasan niya ang lahat ng attached agencies na agad magbigay ng interbensyon para sa naturang mga imprastruktura sakaling magkaroon ng power supply restrictions.
“In the case of the health sector, while the Department of Health will be providing generator sets for the government hospitals, there are also hospitals that are maintained by the provincial and local government units. The local government could help us identify these critical facilities for our efficient interventions,” dagdag pa ni Lotilla.
(PNA)