DOE TINIYAK ANG MAAYOS NA POWER SUPPLY SA ILOILO CITY DAHIL SA BAGONG DISTRIBUTION UTILITY

DOE-MORE

SINIGURO ng Department of Energy (DOE) na mararamdaman na ang tuloy-tuloy at de-kalidad na serbisyo sa power sector sa Iloilo City dahil sa pag-ooperate  ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp. (More Power) na gugugol ng P1.8B sa kanilang modernization program.

Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, ngayong bago na ang nangangasiwa sa supply ng koryente sa Iloilo City ay asahan din ang magandang pagbabago mula sa 96 taong pamamalakad ng Panay Electtic Company(PECO).

Sinabi naman ni DOE- Electric Power Industry Management Bureau Director Mario Marasigan na maganda ang operasyon ng More Power at pagkalipas ng umiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay magkakaroon ulit  ng validation work sa inilatag nitong modernization program.

Ipinaliwag ni More Power President and Chief Operating Office Roel Castro na target ng kanilang rollout program na mapababa ang singil sa koryente.

“investing P1.8-B   to modernize the city’s power distribution system will improve power efficiency, cut systems losses and will  give Iloilo Citya more reliable, safer and cheaper electricity supply than they got from the previous utility.”pahayag ni Castro.

Sa datos ng Energy Regulatory Commission(ERC) ay nasa 9.03% ang system losses ng PECO noong 2019 na mataas sa itinatakda na 6.5% kaya target ngayon ng More Power  na pababain ito sa pamamagitan ng nakatakdang pagpapalit ng mga bagong electric meters at faulty lines na  nagdudulot ng mataas na system losses.

Bukod dito ang isinasagawa nang pagpapalit ng mga bulok na poste ng koryente, undersized transformers, undersized conductors, luma at sira-sirang substations,  gayundin ang pagpapalit sa may 119 transformers na umiinit na indikasyon na may overloading sa koryente.

“MORE Power will be pro-active in ensuring Ilonggos will have safe, reliable and cheaper electricity supply with its investment in modern distribution lines and equipment to replace the aged system in place”dagdag pa ni Castro.

Samanatala, sa isang notice to the public na ipinalabas  ni Iloilo City Mayor Gerry Treñas, sinabi nito na ang More Power na ang dapat na kilalanin ng mga power consumer  na lehitimong distrubution utility sa lungsod na siyang may balidong legislative franchise mula sa Kongreso at operational permit mula sa ERC.

Ang pahayag ay ginawa ng alkalde kasunud na rin ng patuloy pa rin na ipinalalabas na advertisement ng PECO.

“I am dismayed by the continued paid advertisements and press releases of PECO claiming that it is still the power distributor in Iloilo City  which have caused confusion and uncertainty to the minds of the Iloilo City consumers,”ayon kay Treñas.

Matatandaan na una na ring sinabi ni ERC Chairman Agnes Devanadera na wala nang hurisdiksyon ang PECO sa Iloilo City matapos na bawiin ang prangkisa at  Certificate of Public Convenience and Necessity nito.

Comments are closed.