(DOF chief sa Japanese bizmen) MAG-INVEST SA PINAS

HINIMOK ni Finance Secretary Ralph Recto ang mga Japanese investor na mamuhunan sa Pilipinas.

“To begin with, the Philippines is booming and has all the makings of a tiger economy. This makes us the most strategic safe haven for Japanese investors. We are an economic superstar in ASEAN (Association of Southeast Asian Nations), with GDP growth expanding among the fastest at 6.2 percent since President Marcos, Jr. took office,” sabi ni Recto sa kanyang talumpati sa Philippine Economic Briefing (PEB) sa Tokyo noong Biyernes.

Tiniyak ni Recto sa mga investor na pinalalakas ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) kapwa ang fiscal at non-fiscal incentives habang tinutugunan ang mga pangunahing alalahanin ng Japanese investors.

Ang CREATE MORE ay ang improved version ng CREATE law na nagpapalawak at pumipino sa fiscal at non-fiscal incentives, nagbibigay-linaw sa mga tuntunin at polisiya sa pagkakaloob at administrasyon ng mga insentibo, at tumutugon sa mga pangunahing isyu na nakaaapekto sa investment climate ng bansa.

Nireresolba nito ang matagal nang alalahanin ng mga Japanese investor hinggil sa value-added tax (VAT) refunds sa pag-exempt sa export-oriented enterprises sa pagbabayad nito.

Ayon kay Recto, tutugunan din ng  VAT refund reforms sa CREATE MORE ang mga alalahanin ng mga investor hinggil sa ‘unreliability’ ng sistema, at ginawa itong napapanahon, episyente, at predictable.

Ang bill ay nagkakaloob din ng mas kaakit-akit na incentive package para sa registered projects o activities na may investment capital na hihigit sa P15 billion.

Ayon kay Recto, ang CREATE MORE ay makatutulong upang makahikayat ng mas maraming Japanese investors na mamuhunan at mag-expand  sa Luzon Economic Corridor.

Ang economic corridor ay itinayo sa inaugural Trilateral United States-Japan-Philippines Leaders Meeting noong nakaraang Abril.

Ayon kay Recto, ang  corridor ay isang perfect hub para sa mga may kinalaman sa cutting-edge manufacturing, semiconductor supply chains, at agribusiness dahil nag-uugnay ito sa major economic centers ng Luzon — Subic Bay sa Zambales, Clark sa Pampanga, Manila, at  Batangas.

Sa kasalukuyan, ang Japan ang second-biggest trading partner ng Pilipinas, ang pinakamalaking pinagkukunan nito ng foreign direct investment, at ang top provider ng highly concessional official development assistance.

Ang Japan din ang pinakamalaking investor sa economic zones ng Pilipinas na may total investments na nagkakahalaga ng P578.75 billion.