MAKIKIPAGMITING pa ang mga opisyal ng Department of Finance (DOF) sa mga opisyal ng Department of Health (DOH) tungkol sa plano na lagyan ng buwis ang mga produkto ng maaalat na pagkain.
“(We) have to discuss thoroughly with them,” mensahe ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa isang panayam kamakailan.
Naunang binanggit ni Health Secretary Francisco Duque III ang plano na dagdagan ang buwis sa mga pagkaing maalat tulad ng buwis sa sugar-sweetened drinks para mapigilan ang pagkonsumo at mabawasan ang sugar-related health issues.
Ipinakita ng datos ng United Nations Interagency Task Force (UNIATF) na ang mataas na pagkain ng maalat na pagkain ay isa sa mga rason sa pag-taas ng non-communicable diseases tulad ng cancer, heart disease at stroke.
Sa Filipinas, umaabot sa 68 porsiyento ang namamatay sa non-communicable diseases.
Itinala ng UNIATF na ang average salt intake ng mga Filipino ay nasa dalawang beses na higit sa dalawang gramo ng sodium bawat araw o nasa 5 grams na rekomendado ng World Health Organization (WHO).
Tagumpay ang kasalukuyang administrasyon sa pagtutulak ng buwis sa sugar-sweetened beverages at dagdag na buwis sa produkto para matugunan ang tumataas na kaso sa mga kapos palad na mga Filipino at mga kabataan na nagkakasakit dahil sa pagkain ng mga naturang produkto. PNA
Comments are closed.