DOF, NEDA KINILALA SI SALCEDA SA PAPEL SA ECONOMIC REFORM

Albay Rep Joey Sarte Salceda

Kinilala ng Department of Finance at National Economic and Development Authority (NEDA) ang napakahalaga at “natatanging” papel ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda sa makasaysayang mga pang-ekonomiyang reporma sa bansa na tulong din sa administrasyong Duterte para mapasulong ang pag-unlad ng bansa.

Sa pinagsamang pahayag, pinasalamatan nina Finance Secretary Carlos S. Dominguez at Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick T. Chua si Salceda sa “napakahalagang pagtulak niya sa Kongreso ng ‘Corporate Income Tax and Incentives Rationalization (CITIRA) Act, na ngayon ay tinatawag ng ‘Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act’” na nilagdaan na ni Pangulong Duterte nito nakaraang ika-26 ng Marso.

“Walang katulad sa nakaraan ang makasaysayang kaganapang ito at pinasasalamatan ka namin sa natatangi at napakahalagang papel mo” sa pagsasabatas ng CREATE, na pati  ibang mga mambabatas at ekonomista ay kumikilalang si Salceda ang tunay na ama nito, ayon sa pahayag.

“Tunay na kinikilala naming lahat ang madiin mong mga paliwanag at depensa sa CREATE, pati na rin ang buong suporta ng Kamara sa prayoridad na repormang ito ng Pangulo,” dagdag ng pahayag.

Si Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee ang pangunahing may-akda ng CREATE Act (RA 11534). Nakikita itong magbibigay ng pinakamalaking katipiran sa buwis sa pribadong sektor na tinatayang aabot sa P7.1 trillion at lilikha ng isa hanggang 1.4 milyong mga trabahong kapaki-pakinabang sa susunod na 10 taon.

“Bilang isa sa mga unang nagmungkahi sa Kongreso ng mga reporma sa pananalapi ng bansa, tiyak naming alam mo ang saklaw na kahalagahan ng CREATE sa lahat ng mga Pilipino,” ayon kina Dominguez at Chua sa liham nila kay Salceda. “Ngayong batas na ang CREATE, magagawa na naming pasimulan ang mga makabuluhang programang ‘stimulus package’ para sa mga negosyo, na makakatulong kaagad sa paglikha ng libo-libong trabaho at pagpapanumbalik sa sigla ng ekonomiya ng bansa,” sabi nila.

“Sadyang mahalaga ang makabagong ‘fiscal incentives system’ natin upang umakit sa bansa ng malalaking pamumuhunan. Napakahalaga ang maitutulong ng CREATE upang makalikha tayo ng higit na malakas na ‘investment environment’ na magpapabilis sa pagbangon natin sa pagkakalugmok dulot ng pandamya,” dagdag nila.

Tiniyak din nina Dominguez at Chua na makikipagtulungan sila kay Salceda sa pagpasa ng natitira pang mga panukala para sa komprehensibong reporma sa buwis at ‘economic recovery programs’ na inaasahang lalong magpapatibay sa katatagan ng pananalapi at ekonomiya ng bansa laban sa mga pagsubok sa hinaharap.

Sa ilalim ng CREATE, ibababa ang Corporate Income Tax (CIT) mula 30 porsiyento sa 20% para sa maliliit na negosyo o ‘micro, small and medium enterprises (MSMEs)’ at sa 25% naman para sa ibang mga korporasyon mula Hulyo 1, 2020. Kasama rin dito ang iba pang pampagaan sa bigat ng pandemya gaya ng ‘Minimum Corporate Income Tax’ (MCIT) na ibababa sa 1% mula 2% na magkakabisa naman sa Hulyo 1 ngayong taon hanggang Hunyo 30, 2023.

Ibinababa rin ng CREATE sa 1% mula 3% ang ‘percentage tax’ ng maliliit na negosyo na ang taunang benta ay hindi lumalampas sa ‘VAT-exempt threshold’ na P3 milyon mula sa  Hulyo 1, 2021 hanggang sa Hunyo 30, 2023.

Ang naging batas na CREATE ay and dating TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Package 2, na tinawag ding TRABAHO (Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities) bill, at CITIRA (Corporate Income Tax and Rationalization Act). Si Salceda na siya ring may-akda ng TRAIN 1 ang nagsulong nito sa Kongreso.

Ayon kay Salceda, bagitong congressman siya noong 1998 nang inihain niya ang ‘Subsidy Council Act,’ na siyang lolo ng CREATE, “Kahit nagbago ang anyo nito sa nakaraang mga taon, napanatili rin ang prinsipyo o kaisipan nitong ‘performance-based, targeted, time-bound, and transparent tax incentive system’ na siya kong adbokasiya. Inilarawan niya nag CREATE na ‘isang makasaysayang lukso pasalong’  para sa pangangasiwa sa pananalapi ng bansa.

Sa ilalim din ng CREATE, ang mga pribadong mga paaralan at ospital na bagama’t ‘proprietary’ ngunit hindi naman talaga para pagkakitaan, ay magbabayad lamang ng 1% CIT sa halip na 10% sa kasalukuyan at ito ay magsisimula sa Hunyo 1 ngayong taon. “Sa pamamagitan nito, matutulungan ding makabawi ang ganitong mga paaralan at ospital na sadyang kailangan ng bansa para makabangon,” paliwanag niya.

3 thoughts on “DOF, NEDA KINILALA SI SALCEDA SA PAPEL SA ECONOMIC REFORM”

  1. 997656 280523This style is steller! You clearly know how to keep a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (well, almostHaHa!) Great job. I really enjoyed what you had to say, and much more than that, how you presented it. Too cool! 931300

Comments are closed.