DOF TO MAKE SUGAR INDUSTRY GLOBALLY-COMPETITIVE

Lambino II - Villar

INIULAT ni Assistant Secretary Antonio Joselito Lambino II na gusto ng Department of Finance (DOF) na matutunan pa ang galaw ng industriya ng asukal at maintindihan ang kanilang mga alalahanin para makapagkompetensiya sa pandaigdigang merkado.

“That’s the goal, that we’re able to compete with our neighbors,” sabi ni Lambino sa isang panayam sa pagbisita niya sa mill district kamakailan kasama si Senator Cynthia Villar.

Ang dalawang opis­yal ay inimbita ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Board Member Emilio Yulo III at mga opisyal ng Asociacion de Agricultores de La Carlota y Pontevedra Inc. (AALCPI) sa pa­ngunguna ni presidente Roberto Cuenca.

Nakakapagprodyus ang Negros Occidental ng halos 60 porsiyento ng asukal sa bansa.

Muling ipinaalala ni Villar, na siyang chairman ng Senate committee on agriculture, na kailangang ang  industriya ng asukal ay  ma­ging globally-competitive dahil ang imports liberalization ay mangyayari anumang oras.

“Given the global competition,” Villar said, “the industry should also focus on the developmental aspect funded under the Sugar Industry Development Act (SIDA).”

Pero dahil ang hindi pa lahat nagagamit o nagagalaw ang  PHP2-bilyong alokasyon sa ilalim ng batas, ang pondo ay nabawasan ng Department of Budget and Management ng PHP500 milyon ngayong taon, sabi pa niya.

Itinulak ni Villar ang paglikha ng national sugar program sa babantayan ng Department of Agriculture para masiguro na ang pagde-develop ng industriya ay magagamit ng maayos at tama.

Ang SIDA o Republic Act 10659, na naisabatas noong 2015, ay naglalayon ng competitiveness ng industriya ng asukal at magamit ng husto ang sugarcane resources, mabago ang kita ng mga magsasaka at mga nagtatrabaho sa sakahan, sa pamamagitan ng improved productivity, product diversification, job generation, at increased efficiency of sugar mills.

Sa  PHP 2 billion pondo taon-taon, ang PHP 1 bilyon ay nakatalaga para sa impraestruktura para sa farm-to-mill roads; PHP300 milyon para sa pautant; PHP100 milyon para sa scholarships: PHP300 milyon para sa block farm ng land reform beneficiaries; at PHP300 milyon para sa shared facilities program.

Noong Nobyembre ng nakaraang taon, nagkakaisang inaprubahan ng Senado ang Resolution 213 na nag-uudyok sa Executive Department na huwag ituloy ang planong liberalization ng industriya ng asukal para mapangalagaan ang kalagayan ng sugar farmers at industry workers sa mahigit na 20 probinsiya sa  bansa.                PNA