DOGS COOL DOWN AT DOGGIE TAMPISAWWW 2019

DOGGIE TAMPISAWWW 2019

SINALUBONG ng mga aso at nang kanilang paw parents ang pagbabalik ng tag-ulan sa isang malamig at nakaaaliw na pagtampisaw sa Doggie Tampisawww 2019 na inor­ganisa at pinamunuan ng Good Boy Dog Food sa pakikipag-partner  sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center.

Binuksan ni Dr. Elvis Rabara, Managing Veterinarian of Vetermedics, ang programa sa pagbibigay ng tips tungkol sa dog immunity care. Nagsalita rin siya tungkol sa transisyon kung paano ang dry summer at wet rainy months ay nagbibigay sa aso ng stress-related na mga sakit tulad ng blood parasites, ehrlichiosis, at leptospirosis mula sa kasalukuyang tag-ulan.

Sa ganitong panahon, pinayuhan ni Dr. Rabara na bihisan ang mga aso ng tama kung lalabas at kung paano sila patuyuin kaagad pagpasok ng tirahan. Ang pagpapanatili sa immune health ng mga aso ay kailangan, kung kaya importante na sila ay nabibigyan ng dog food na puno ng nutrisyon na kailangan para sa kanilang paglaban sa anumang sakit at para malabanan ang impeksiyon. Ang mga de-kalidad na produkto tulad ng Good Boy Dog Food ay nagbibigay ng nutrisyon na nakatutulong sa kalusugan ng aso at sa immunity nito.

Nagsimula noong isang taon ang okasyon bilang Good Boy premier mid-year event na naka­tuon sa pagpapalawig ng canine health, immunity at wellness kapag mainit tulad ng buwan ng summer. Matapos ang tagtuyot na naranasan natin nitong taon, naging isang selebrasyon ang Tampisawww ng pagbabalik ng tag-ulan para sa kanilang pangalawang outing.

Naka-set sa isang magandang berdeng backdrop ng park, lahat ng aso sa iba’t ibang sizes mula sa  Chihuahua hanggang sa malaking Golden Retriever at ang kanilang may-ari ay sinalubong ng may ga-bundok na kibbles sa Good Boy’s dog food buffet. Ang  mga kasali ay binasa ng kanilang mga tagapag-alaga sa mga nakatutuwang gawain kasama ang doggie pool race, trivia challenges at ang doggie swimsuit competition.

Si Scarlett kasama ang kanyang pet parent, ang nanalo sa small breed ca­tegory sa doggie pool race at si Maria at Boston ang pangalawa at pangatlo ayon sa pagkakasunod.

Samantala, ang kauna-unahang Good Boy Tampisawww ‘Doggie Swimsuit Competition’ na nag-champion ay si Ycco kasama ang owner na si Charlie dela Cruz. Ang alaga ni Adrian Cabuhat na si  Coco Channel at si Jackie ni Eton Bonifacio Conception ang naging first at second runner-up respectively.

Pinatibay ng Good Boy Dog Food ang kanilang pakikipag-partner sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa isang pormal na donasyon ng ilang sakong dog food noong okasyon. Ang kalidad ng dog food na nakapagbibigay sa mga aso ng tamang pagkabusog, nang maayos na nutrisyon at sa pagdaan ng taon ay magagamit na pang-suplemento sa kinakailangang pagkain ng mga nailigtas na mga hayop sa center. Ang partnership ay kasama sa patuloy na pangako ng Good Boy commitment para masuportahan ang animal welfare.

Ang Good Boy Dog Food ay mabibili sa mga pangunahing supermarkets sa buong bansa.

Comments are closed.