DOH-2 IKINASA ANG MENTAL HEALTH SUMMIT

DOH REGION 2

ISABELA – KATATAGAN sa nagbabagong mundo, Kabataan Usap Tayo.

Ito ang tema sa  dalawang araw na mental health summit na pina­ngunahan ng Department of Health Region-2 (DOH) sa Santiago City.

Sa unang araw ng summit ay dinaluhan ng non-government organization, kawani ng mga pagamutan, local government units, kabilang ang mga mamamahayag sa Isabela.

Sa ikalawang araw  ay dinaluhan ng mga guro at mga mag-aaral mula sa iba’t ibang mga pamantasan na karamihan ay nasa grade 7.

Ang naging panguhaning tagapagsalita ay si Dr. Rio Magpantay, Regional Director ng DOH Region 2, na naglalayong tulungan ang mga kabataang may problema sa pag-iisip.

Aminado si Magpantay na hindi umano  napagtutuunan ng pansin ang mental health lalo na sa mga kabataang mag-aaral, kaya layunin nitong mapalaganap ang adbokasiya na ang problemang kaisipan ay dapat ding pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno.

Inihayag pa nito na kapag ang isang tao ay mayroong problemang kaisipan ay makaaapekto sa mga pang-araw-araw na gawain o trabaho dahil maraming gumugulo sa isipan.

Dahil dito, layon ng DOH na ipalaganap sa mga kabataan, mga guro, mga kawani ng pamahalaan at pribadong sektor na kailangang magkaroon ng programang magtataguyod at magbibigay atensiyon sa mental health.   IRENE GONZALES