SA naganap na unang araw ng 3-Day National Vaccination Drive ng pamahalaan, nangunguna ang Region 4A o Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal Quezon ) sa buong bansa ang nakapagtala ng pinakamaraming indibidwal na nabakunahan.
Mula sa datos ng Department of Health4-A, umabot sa 216 ,357 ang nabakunahan nitong araw ng Lunes, Nobyembre 29.
Sa inilabas na quick counts ng DOH4-A hanggang ala-3 ng hapon, sa lalawigan ng Batangas ang may pinakamaraming nabigyan ng bakuna kung saan mayroong 60,680; sumunod ang Cavite na may 48,636; Laguna; 47,068 ; Rizal 35,855 at Quezon 24,117.
Ayon kay DOH 4-A Regional Director Ariel I. Valencia, “Nagpapasalamat po ako sa lahat ng vaccination teams sa inyong sakripisyo ngayong araw, lalo na iyong mga hindi nagcut-off at talagang inabot na ng gabi upang lahat ng nagpunta sa kanila ay mabakunahan,”
Malayo man ito sa 1 Milyong kada araw na target na kanilang ninanais naabot naman ng kagawaran ang kanilanng 340,00 na daily target. CYRILL QUILO