MAYNILA -INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 7,958 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa kanilang case bulletin no.45, sinabi ng DOH na hanggang 4pm nitong Abril 28 ay nakapagtala pa sila ng panibagong 181 kaso ng COVID-19, na karagdagan sa 7,777 kaso na naitala nitong Lunes.
Ang mga bagong pasyente ay binigyan ng ID # PH7778 – PH7958.
Samantala, patuloy rin naman sa pagdami ang bilang ng mga pasyente na gumaling na sa karamdaman.
Ayon sa DOH, nakapagtala pa sila ng 42 pasyente na nakarekober na sa karamdaman, kaya’t ang total recoveries ng COVID-19 ay umakyat na sa 975.
Maging ang mga namatay naman sa sakit ay nadagdagan ng 19, sanhi upang lumobo na ang COVID deaths sa 530. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.