DOH-CALABARZON MAY BAGONG DIREKTOR

Paula Paz M

CAVITE-MAKARAANG magretiro noong Nobyembre 20 si Department of Health (DOH) – CALABARZON Regional Director Eduardo C. Janairo sa edad na 65,  itinalaga ni Health Secretary Francisco T. Duque bilang kapalit nito si Dr Paula Paz M. Sydiongco.

Si Syndiongco ay kasalukuyang Assistant Regional Director  ng DOH-CALABARZON , sa ilalim ng Department Personnel Order No. 2020-2683, gagampanan nito ang resposibilidad bilang Regional Director at tatanggap ng kaukulang benepisyo at prebilihiyo.

Sinabi ni Sydiongco na tubong Tacloban City at may 33 taon na sa serbisyo sa health department na ipagpapatuloy nito ang mga programa at mga sistema na inumpisahan ni Janairo.

“I will continue the health innovations and development programs to improved health policies and systems started by Director Janairo and ensure that health services will improve people’s health, focusing on the needs of vulnerable populations,” she stated.

Nakamit ni Sydiongco ang kanyang medical degree sa  Cebu Doctor’s College of Medicine noong 1980. Nag-Masters ng Public Health sa  University of the Philippines – College of Public Medicine noong 1990 at Masters in Business Administration sa Development Foundation College noong  2019.

Kabilang sa mga posiyon na hinawakan nito ay Medical Parasitologist, Rural Health Physician, District Medical Officer, Provincial DOH Representative, Division Chief at kasalukuyang Director III. PAUL ROLDAN

Comments are closed.