DOH-CALABARZON NAGBABALA SA MGA LUMULUSONG SA BAHA

baha

BINALAAN  ng Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon)  ang mga residente  na huwag magbabad sa tubig-baha upang  makaiwas sa leptospirosis.

“The recent spate of typhoons has brought massive flooding in low lying communities of the region and everyone should be cautious in threading these waters as it may be contaminated with Leptospira bacteria from the urine of infected rats,” paalaala ni Regional Director Eduardo C. Janairo stated.

“Sa mga magulang, bantayan po natin ang ating mga anak at huwag po natin silang pababayang maglaro o magtampisaw sa baha lalo na ngayon at me banta ng leptospirosis sa ating lugar.”

“Kung kinakailangang lumabas ng bahay upang bumili ng pagkain o gamot, siguraduhin po natin na tayo ay may suot na bota o guwantes at importante sa lahat siguraduhin natin na wala kayong mga sugat sa parte ng inyong katawan na maaring mabasa at mapasukan ng mikrobyo,” dagdag pa nito.

Sumusulpot ang leptospirosis sa  panahon ng tag-ulan. Ang mga sintomas nito at mataas  na lagnat, muscle pain, pamumula ng mata, sakit ng ulo, at panininilaw ng balat.

“Kung kayo ay lumusong sa baha at nakakarananas ng isa sa simptomas, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health upang masiguro ang inyong kaligtasan sa anumang sakit.”

“Huwag po nating balewalain ang sakit na leptospirosis dahil maari itong lumala at magdulot ng malubhang komplikasyon at inyong ikamatay,” diin ni Janairo.

“If we have no business going outside of our homes, it is best to stay inside and be safe. Iwasan nating dumaan sa baha dahil hindi natin nasisisiguro na malinis ang tubig at hindi kontaminado ng mga basurang nakakalat sa paligid kasama na rito and panganib na dulot ng pagka-karoon ng leptospirosis.”

Comments are closed.