DOH-CALABARZON, NAGBABALA VS. ACUTE BLOODY DIARRHEA

PINAG-IINGAT ni Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Eduardo Janairo ang mga residente laban sa sakit na ‘acute bloody diarrhea’ na naitatala nila sa ilang lalawigan sa rehiyon.

Ayon kay Janairo, hindi nila dapat na balewalain ang naturang karamdaman dahil ito ay maaaring magresulta sa kamatayan kung mapapabayaan.

Tiniyak ni Janairo na kasalukuyan na nilang minomonitor ang mga kaso ng sakit upang maiwasan ang patuloy pang pagdami nito.

“The regional office is continuing its disease surveillance and is directly in contact with the local health officials in the provinces. Hindi dapat balewalain ang diarrhea dahil ito ay nakamamatay kung ito ay napabayaan at hindi agad nabigyan ng lunas,” babala pa ni Janairo.

Pinayuhan din niya ang mga residente na huwag mag-atubiling dalhin kaagad sa pagamutan kung mayroon silang kapamilya na makikitaan ng ganitong karamdaman upang malapatan ito ng kaukulang lunas.

“Ang kailangang gawin ng mga residente kung mayroong isang miyembro ng pamilya na may diarrhea ay dalhin agad sa pinakamalapit na health facility upang ma-checkup at magamot,” aniya pa.

Ayon kay Janairo, ang diarrhea ay karaniwang sakit sa panahon ng tag-init.

Ilan aniya sa mga sintomas ng acute bloody diarrhea ay pananakit ng tiyan, dehydration at watery stool.

Dagdag pa niya, ang bloody diarrhea ay dulot ng Escherichia coli na matatagpuan sa pagkain at kapaligiran.

Batay sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), nakapagtala na ang rehiyon ng kabuuang 44 acute bloody diarrhea cases mula Enero 1, 2021 hanggang Mayo 15, 2021.

Ang mga pasyente ay nagkakaedad ng mula isang taong gulang hanggang 57 taong gulang.

Karamihan umano sa mga kaso ay mga babae na nasa 23 (52%) at pinakamarami rin ang kabilang sa 1–10-year-old age group.

Ang lalawigan na pinakamaraming kaso ng acute bloody diarrhea ay ang Quezon na may 19, sinundan ng Rizal na may 13; Laguna na may walong kaso at Cavite na may apat na kaso.

“Napakaimportante na ugaliing maghugas lagi ng mga kamay upang masiguro ang kalinisan bago at pagkatapos kumain at palaging uminom ng malinis na tubig upang maiwasan ang anumang bacteria na maaring makapagdulot ng sakit,” ani Janairo. Ana Rosario Hernandez

4 thoughts on “DOH-CALABARZON, NAGBABALA VS. ACUTE BLOODY DIARRHEA”

  1. Great blog you have here but I was curious about if you knew of any user discussion forums that cover the same topics talked about in this article?
    I’d really like to be a part of group where I can get feedback
    from other knowledgeable people that share the same interest.
    If you have any recommendations, please let me know. Kudos!

  2. 311178 883985Not long noticed concerning your internet site and are nonetheless already reading along. I assumed ill leave my initial comment. i do not verify what saying except that Ive enjoyed reading. Good blog. ill be bookmarking maintain visiting this internet site really normally. 236254

  3. 454663 164858 An interesting discussion is worth comment. I feel which you really should write a lot more on this subject, it may not be a taboo topic but generally people are not enough to speak on such topics. To the next. Cheers 82108

Comments are closed.