HIGIT pang paiigtingin ng Department of Health (DOH) ang kanilang kampanya upang mahikayat ang publiko na magpabakuna upang maiwasan ang pagkalat ng iba’t ibang uri ng karamdaman sa bansa.
Ito’y bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng tigdas na naitala nila sa bansa sa unang 11-buwan ng taong 2018.
Pumalo ng 3,793 ang kumpirmadong kaso ng tigdas sa buong bansa mula Enero hanggang Nobyembre, 2018, na mas mataas ng 735 porsiyento kumpara sa 454 kaso lamang na naitala sa kahalintulad na petsa noong 2017.
Sa nasabing bilang 48 pasyente ang nasawi matapos na hindi maagapan ang karamdaman.
Nabatid na ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming bilang ng confirmed measles cases na umabot sa 739; kasunod ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na may 605 kaso naman. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.