Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na isang senior official nila ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Hindi naman pinangalanan ng DOH ang naturang opisyal ngunit nilinaw na isa itong direktor ng kagawaran.
Paglilinaw pa ng DOH, walang miyembro ng executive committee ng DOH ang nagpositibo sa COVID-19.
“The lone confirmed case is a Director. Contrary to circulating posts, no member of executive committee is positive for COVID-19,” pahayag ng DOH.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng DOH sa kanilang mga empleyado na ang kanilang kaligtasan at kalusugan ang kanilang prayoridad sa ngayon.
Upang matiyak naman ito, nag-disinfect na umano ang DOH ng kanilang mga tanggapan.
Ang mga naging close contact naman ng director na nagpositibo sa virus ay natunton na rin at pinayuhang sumailalim sila sa home quarantine at strict monitoring.
Tiniyak rin ng DOH sa bawat Filipino na patuloy nilang gagampanan ang kanilang tungkulin na proteksiyunan ang mga mamamayan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.