DOH, HANDA SA WORST CASE SCENARIO SA ALERT LEVEL 1

HANDA  ang Department of Health (DOH) sa posibleng worst case scenario dulot ng pagsailalim ng Metro Manila at 38 pang lugar sa alert level 1.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, III, bago ipatupad ang bagong restriksyon, nagkaroon na ng pagsusuri ang gobyerno sa kapasidad ng healthcare system sa regional o lokal.

Habang naghanda rin ng transition plan ang gobyerno papuntang new normal na magaganap sa susunod na linggo.

Samantala, positibo ang DOH na makatutulong sa pag-boost ng confidence ng publiko ang kada isang linggong paglalabas ng COVID-19 bulletin.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, III, nadadagdagan ang takot ng publiko kung makikita ang 4 o clock bulletin ng DOH.

Pero kung bumababa na ang naitatalang kaso sa bansa, malaking tulong ang kada linggong paglalabas ng bulletin upang mapanatag ang lahat na bumababa na ang kaso.

Sa Marso 7 magsisimula ang lingguhang paglalabas ng DOH ng kabuuang kaso sa Pilipinas.