DOH MAGRERESERBA NG TEST KITS PARA SA CORONAVIRUS

COVID-19 TESTING KITS

PLANO ng Department of Health (DOH) na bumili at mag-imbak ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kits na magtatagal para sa susunod na tatlong buwan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay mayroon tayong sapat na test kits, ngunit mayroon pa aniya silang binibili at ang pondo dito ay mula sa Bayanihan Act.

“Sa ngayon mayroon ho tayong enough. It’s sufficient for our estimate. Mayroon pa tayong pino-procure, galing ‘yung pera sa Bayanihan Act kung saan magpo-procure tayo ng estimate natin for the next three months,” ani Vergeire, sa panayam sa telebisyon.

Una nang tinaya ng DOH na makakaya nilang magsagawa ng 3,000 COVID-19 tests kada araw simula ngayong Martes, Abril 14.

Sa pagtaya pa ng DOH, ang kanilang kapasidad sa pagsusuri ay inaaahan nilang aabot ng mula 8,000 hanggang 10,000 araw-araw, sa pagtatapos ng buwan.

Matatandaang una naman nang sinabi ni Secretary Carlito Galvez, na siyang chief implementer ng national action plan against COVID-19, na sisimulan nila ang pagsasagawa ng mass testing ngayong Abril 14.

Sinabi naman ni Vergeire na ang mass testing ay “risk-based at progressive,” na nangangahulugang ang mga vulnerable, may malalang sakit, at nagtatrabaho sa mga healthcare facilities ang kanilang uunahin o gagawin prayoridad. ANA ROSARIO HERNANDEZ

2 thoughts on “DOH MAGRERESERBA NG TEST KITS PARA SA CORONAVIRUS”

Comments are closed.