NAGPAALALA ang Department of Health (DOH) sa publiko sa mga puwedeng gawin sakaling mabiktima ng firecracker poisoning sa pag-salubong ng Bagong Taon.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, may tatlong bagay na dapat tandaan sakaling aksidenteng malason ng pa-putok.
Una, ilayo ang biktima sa usok ng sumabog na paputok para matiyak na makahihinga ito ng mabuti.
Pangalawa, agad humingi ng tulong medikal mula sa eksperto at huli ay iwasan ang self-medication.
Mas makabubuti kung agad maitatakbo ang pasyente sa ospital upang masuri at mabigyan ng tamang atensiyong medikal.
Comments are closed.