PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga sakit na maaaring makuha sa panahon ng taglamig.
Ayon kay Health Undersecretary at spokesperson Rolando Enrique Domingo, laganap ang respiratory illnesses tulad ng ubo, sipon, asthma at influenza sa panahon ng taglamig kaya’t dapat na maging maingat ang lahat.
Hinikayat din niya ang publiko na magpabakuna para makaiwas sa grabeng epekto ng mga sakit.
Nabatid na patuloy pa ring mararanasan ang malamig na panahon sa bansa ngayon hanggang sa susunod na buwan.
Ngayon umano ang peak season para sa mga cold diseases na nagsimula pa noong Oktubre ng 2018.
Ayon sa weather bureau na Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, sa Baguio ay pumalo na sa 9.2 degrees Celsius ang temperatura.
Marami na rin umanong residente ang nagrereklamo sa ubo at lagnat dahil sa sobrang lamig ng panahon. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.