DOH NAGBABALA SA FLU SEASON

flu

NAGBABALA ang Department of Health  sa inaasahang  pagtaas ng  mga nagkakatrangkaso ngayong Enero lalo’t  flu season  bunsod  ng  malamig na panahon.

Sa datos ng DOH, simula noong Disyembre 2-8, 2018 ay umabot na sa halos 250 ang tinamaan ng flu at flu-like illness at tumataas pa tuwing Enero hanggang Marso.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, taon-taon ay magkaka-ibang strain ng flu virus ang dumadapo sa mga pasyente.

Kabilang  sa sintomas ay lagnat, minsan walang lagnat, karaniwang may  sipon, ubo, pananakit ng lalamunan, nilalamig at tila walang gana sa pagkain.

Kadalasang mas matagal din ang trangkaso na maaaring umabot ng hanggang isang linggo.

Pinayuhan naman ng DOH ang publiko na magpahinga at uminom ng maraming tubig kapag may trangkaso.                                DWIZ882

Comments are closed.