MAHIGPIT na binalaan ng Department of Health (DOH) at ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa paggamit ng Electronic Nicotine and Non-Nicotine Delivery Systems (ENDS/ENNDS), o mas kilala sa tawag na electronic cigarettes (e-cigarettes), na maaari anilang makasama sa kalusugan ng taong gagamit nito.
Nababahala ang DOH at FDA dahil sa patuloy na pagdami ng mga tao, partikular na ang mga kabataan na gumagamit ng e-cigarettes o vapes.
Ayon sa mga naturang ahensiya ng gobyerno, limang US medical specialty societies, kabilang na ang American College of Obstetricians and Gynecologists, American College of Physicians, American Academy of Pediatrics, American Academy of Family Physicians, at American College of Surgeons, ang nagsabi na ang paggamit ng mga e-cigarettes ay ‘health hazards.’
Maging ang Philippine Pediatric Society ay nagpahayag na rin anila hinggil sa pagiging addictive at ‘potentially cancer-causing effects’ ng e-cigarettes.
Nagbabala rin naman sila hinggil sa mapanganib na kemikal ng vapes, gaya ng nicotine, ultra-fine particles, carcinogens, heavy metals, at volatile organic compounds.
Lumitaw rin anila sa resulta ng ilang pag-aaral na ang ‘e-cig juices’ ay may taglay na mataas na antas ng ‘addictive nicotine,’ na maaaring magresulta sa acute o maging fatal poisoning, kung malulunok ito at maging iba pang pamamaraan.
“In addition to nicotine addiction, cases of nicotine toxicity in children of epidemic proportion have been documented in other countries with increasing prevalence of e-cigarette use. E-cigarette aerosol that users and bystanders breathe and exhale also contain harmful and potentially harmful substances including secondhand aerosols (SHA),” dagdag pa ng DOH at FDA.
Mahigpit na ring umaapela ang DOH at FDA sa mga magulang, mga guro, at mga health workers na i-educate ang mga kabataan hinggil sa panganib sa kalusugan na dala ng e-cigarettes, na anila ay may ‘unique appeal’ sa mga kabataan dahil na rin sa mga flavored variants at unique construction ng mga ito.
“The Department, together with the Food and Drug Administration, maintains that a series of long-term epidemiological and peer-reviewed studies are required to conclude that e-cigarettes are less harmful than conventional smoking,” pahayag pa ni Health Secretary Francisco T. Duque III. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.