DOH NAGBABALA SA PEKENG FB PAGE NG HEART CENTER

NAGBIGAY babala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa kumakalat na pekeng Facebook page ng Philippine Heart Center (PHC).

Sa pahayag ng DOH, pinaalalahanan nito ang publiko na huwag mag-share ng unverified sources information mula sa pekeng PHC Facebook page.

Sa imbestigasyon, taong 2015 pa ginawa ang pekeng FB page na may mahigit 20,000 likes at 21,000 followers.

Sa ngayon kumikilos na ang DOH at PHC upang ma-take down ang nasabing fake FB page.