NAGLABAS ng abiso ang Department of Health (DOH) upang bigyang babala ang publiko hinggil sa mga kumakalat na text messages kaugnay sa One COVID-19 Allowance (OCA).
Sa public advisory, sinabi ng DOH – Metro Manila Center for Health Development o DOH-MMCHD na may mga text messages kaugnay sa pagkuha ng OCA sa pamamagitan ng pagpapadala ng email na [email protected].
Binigyan-diin ng DOH-MMCHD, hindi galing sa kanila ang naturang mensahe kaya pinayuhan ang publiko na huwag magpapaloko o mga scammer.
Paalala pa ng DOH-MMCHD na ang OCA ay direktang ipinapa-alam sa benepisyaryo na mayroong kumpleto at maayos na dokumento.
Tiyakin din umano na lehitimo ang nakakalap na balita; at maging alerto laban sa mga maling impormasyon para na rin sa kaligtasan.
Sa ilalim ng OCA, makatatanggap ng allowance ang health care workers at non-health care workers depende sa kanilang “risk exposure” — o P3,000 para sa low risk; P6,000 para sa medium risk; at P9,000 para sa high risk.
Pinayuhan din ng DOH-MMCHD , na maaring magpadala ng mensahe sa Public Assistance and Complaint Unit ng tanggapan kung mayroong mga katanungan o sumbong ukol sa OCA.
Maari ding magpadala sa email na [email protected], o kaya’y tumawag sa kanilang hotline numbers o Viber number na 0970-464-7549. PAUL ROLDAN