DOH NAGHAHANDA SA PAGTAAS NG COVID-19 CASES

USec Ma Rosario Vergeire,

NAGHAHANDA ngayon ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 matapos na luwagan ang ilang restrictions sa pampublikong transportasyon sa pagpapalawig ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at iba pang lugar.

Ito ang reaksiyon ni Health Undersecretary Rosario Vergeire sa  pahayag ng OCTA Research Group na  maaaring tumaas ang kaso ng COVID-19 lalo na’t niluwagan ang pagpapatupad ng social distancing sa pampublikong transportasyon nang magdagdag ng capacity nito.

Ayon pa sa research ng group, posibleng sa loob lamang ng dalawang linggo ay tumaas ang kaso lalo na sa National Cap-ital Region na siyang sentro ng coronavirus infection.

Sinabi naman ni Vergeire na dahil sa pagluwag sa ilang restriction sa public transport, pagbubukas ng ekonomiya at iba pang sektor, inaasahan na nila na magkakaroon ng pagtaas ng kaso ng impeksiyon.

Batid naman umano nila na nananatili pa rin ang virus subalit hindi  maaaring manatili sa pagka-lockdown.

Kinakailangan lamang  na magbantay at higpitan pa rin ang pinaiiiral na minimum health standards tulad ng paghuhugas ng kamay, social distancing gayundin ang pagsusuot ng face masks at face shields.

Bukod dito, nararapat na sumunod din ang publiko sa mga inilatag na protocols upang hindi mahawaan ng COVID-19 at maiwasan ang pagtaas ng kaso nito.

Comments are closed.