MAHIGPIT ang paalala ng Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat laban sa nakamamatay na sakit na leptospirosis na maaaring makuha sa tubig baha na kontaminado ng ihi ng daga.
Kasunod na rin ito ng mga nararanasang mga pagbaha dahil na rin sa mga sunod-sunod na pag-ulan at bagyo na pumapasok sa bansa.
Ayon kay Dr. Beverly Ho, DOH Director for Promotion and Communication Service, dapat na iwasan ng mga mamamayan na lumusong sa baha, lalo na kung mayroon silang sugat o open wounds, kung saan maaaring pumasok ang leptospira, ang bakterya na mula sa ihi ng daga, na nagdudulot ng sakit na leptospirosis.
Sakali namang hindi maiiwasan ang paglusong sa baha ay makabubuting gumamit ng protective gear gaya ng bota at kaagad na hugasan ng tubig at sabon ang bahagi ng katawan na nababad sa baha.
“If ever that happens, please reach out to your health care provider so that you might be provided with necessary post-exposure prophylaxis kung kinakailangan,” dagdag pa ni Ho, sa isang online forum.
Ilan sa mga sintomas ng leptospirosis na dapat bantayan ay ang lagnat, pananakit ng kalamnan at ulo, at pamumula ng bata.
Paalala pa ng DOH, ang malalang kaso ng leptospirosis ay maaaring magdulot ng pinsala sa atay, bato at utak na maaaring magresulta sa kamatayan, kung ‘di maaagapan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
358692 681634Some truly nice and utilitarian details on this internet internet site , likewise I think the style and style holds wonderful capabilities. 24839
899243 610649I genuinely delighted to uncover this internet internet site on bing, just what I was looking for : D too saved to fav. 66091
669778 463521Some truly excellent information , Gladiola I located this. 183246
957185 398092I really got into this write-up. I found it to be fascinating and loaded with exclusive points of interest. I like to read material that makes me feel. Thank you for writing this wonderful content. 878361
303266 650577A really exciting go by way of, I may not agree completely, but you do make some truly legitimate factors. 370197