BUNSOD nang nalalapit na pagsapit ng panahon ng tag-ulan ngayong Hunyo ay nagpalabas na ng paalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na paghandaan na at maging maingat laban sa mga sakit na maaaring makuha tuwing rainy season.
Kabilang sa mga karamdamang tinukoy ng DOH ay ang diarrhea, water-borne diseases gaya ng typhoid fever, cholera, leptospirosis, at vector-borne diseases gaya naman ng malaria at dengue, na madalas maminsala sa panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mas mabuti nang handa at nag-iingat ang publiko upang hindi dapuan ng mga naturang karamdaman.
“It is best to arm ourselves with weapons against these diseases even before the onset of the rainy season by building a strong resistance against these illnesses and practicing personal hygiene and environmental sanitation,” anang kalihim. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.