DOH NAITALA PA ANG 633 VARIANT CASES NG COVID-19

NAKAPAGTALA  pa ang Department of Health (DOH) kahapon ng karagdagang 633 variant cases ng COVID-19 sa bansa.

Sa isang online press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga naturang variant cases ay natukoy mula sa 748 samples na isinailalim nila sa genome sequencing, kabilang ang kinuha mula Abril hanggang Hunyo.

Ayon kay Vergeire, kabilang sa natukoy nila sa naturang pinakahuling genome sequencing run ay 339 Delta variant; 186 Beta variant cases; 98 Alpha variant cases; siyam na P.3 variant cases; at isang kaso ng Gamma variant.

Sinabi ni Vergeire na ang 609 sa 633 variant cases ay pawang local cases, 17 ang returning overseas Filipinos (ROFs), habang pito pa ang biniberipika kung local o ROF cases.

Nabatid na 616 naman sa mga bagong variant cases ay nakarekober na at 10 naman ang binawian ng buhay.

Nasa lima naman sa mga ito ang nananatili pa ring aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa sakit, habang tinutukoy pa ang kalagayan ng dalawang natitirang iba pa.

Dahil naman sa mga bagong variant cases, ang total Delta variant cases sa bansa ay nasa 3,366, 2,559 naman ang total Alpha variant cases, 2,920 ang total Beta variant cases, 461 ang P.3 variant cases, at tatlo ang Gamma variant cases.

Ang Delta, Beta, Alpha, at Gamma variants ay pawang ikinukonsidera ng mga health authorities bilang variants of concern habang ang P.3 variant naman ay tinukoy bilang “alert for further monitoring.” Ana Rosario Hernandez

94 thoughts on “DOH NAITALA PA ANG 633 VARIANT CASES NG COVID-19”

  1. 51552 619059Once I originally commented I clicked the -Notify me when new feedback are added- checkbox and now every time a remark is added I get four emails with exactly the same comment. Is there any means you possibly can remove me from that service? Thanks! 255379

  2. 447922 912142The posh distributed could be described as distinctive; customers are in fact yearning for bags is a Native aspirations. Which strange surroundings is built that is to market diversity furthermore importance with travel and leisure market trends. hotels particular offers 189675

Comments are closed.