DOH NAKA-CODE WHITE ALERT SA UNDAS

Health Secretary Francisco Duque III-6

NAKA-CODE white alert na ang Department of Health (DOH) kasabay na rin ng paggunita ng mga Pinoy sa Undas.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang Code White Alert status ay sinimulang ipairal kahapon, Oktubre 30, 2018, sa lahat ng DOH-retained hospitals at mga regional office at magtatagal hanggang sa Nobyembre 2, 2018, All Souls’ Day.

Sa ilalim ng Code White,  lahat ng hospital staff ay dapat na ‘on-call’ upang tumugon sa anumang uri ng health emergency.

Dapat din kompleto ang lahat ng gamot at handa ang mga equipment sa mga pagamutan, sakaling kailanganin ang mga ito.

Tiniyak din ni Duque na lahat ng DOH Hotlines nila na (02) 711-1001 at (02) 711-1002, ay available sakaling kailanganin ng publiko ng anumang health assistance. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.