NAKAPAGTALA ng 33,169 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang Department of Health araw ng Lunes, Enero 10, 2022.
Samantala, mayroon namang naitalang 3,725 na gumaling at 145 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.3% (157,526) ang aktibong kaso, 93.0% (2,788,711) na ang gumaling, at 1.74% (52,293) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Enero 8, 2022 habang mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 labs na ito ay humigit kumulang 6.2% sa lahat ng samples na nai-test at 6.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Pinaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19 bagkus, dapat ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at lagging magsuot ng facemask, mag -physical distancing, at maghugas ng kamay.
Sa oras na makaramdam ng sintomas, agad na mag-isolate at magpa-test.
Payo ng DOH, agad din na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksiyon laban sa COVID-19.