NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 642 kaso ng tatlong COVID-19 variants sa bansa.
Batay sa datos na inilabas ng DOH, sinabi nito na base sa findings ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at ng National Institutes of Health (NIH), lumilitaw na sa 752 samples na kanilang sinuri, ay 266 kaso ang natuklasang UK variant o B.1.1.7; 351 naman ang South Africa variant o B.1.351 at 25 ang Philippine variant o P.3.
Dahil sa naturang mga karagdagang kaso, hanggang nitong Abril 9, 2021, ay umaabot na sa 658 ang total cases ng UK variant sa bansa; 695 naman ang South Africa variant at 148 ang Philippine variant, habang hindi naman nadagdagan ang Brazil variant o P.1, na nananatili pa rin sa dalawang kaso.
“The DOH, UP-PGC, and UP-NIH today report the detection of 266 B.1.1.7 variant cases, 351 B.1.351 variant cases, and 25 P.3 variant cases among the 752 samples sequenced last week. No additional P.1 case was detected,” batay sa ulat ng DOH, na ipinaskil sa kanilang Facebook page.
Nabatid na sa 266 new B.1.1.7 variant cases, 11 ang Returning Overseas Filipinos (ROFs), 188 ang lokal na kaso, at 67 ang bineberipika kung lokal o ROF. Walo sa kanila ang sinawimpalad na masawi, 204 ang nakarekober at 54 naman ang nananatiling aktibong kaso pa.
Samantala, sa 351 new B.1.351 variant, 15 kaso ang ROF, 263 ang local cases at 73 ang biniberipika pa kung lokal o ROF. Apat sa kanila ang binawian na ng buhay, 293 ang nakarekober na at 54 ang nagpapagaling pa.
Sa 25 namang karagdagang P.3 variant cases, dalawa ang ROF, 21 ang lokal na kaso at dalawa ang bineberipika kung lokal o ROF. Isa na lamang naman sa mga ito ang nananatili pang aktibong kaso habang 24 na iba pa ang nakarekober na.
Tiniyak naman ng DOH na ang Philippine variant ng virus ay hindi pa itinuturing na ‘variant of concern.’
Muli ring nagpaalala ang DOH sa publiko na patuloy na istriktong tumalima sa minimum health protocols at magpakuna upang hindi dapuan ng virus.
“The DOH reiterates that strict and consistent adherence to the minimum public health standards, increased support for the National Vaccination Program, and LGUs’ continuous implementation of PDITR strategies will significantly mitigate transmission of COVID-19,” anito pa. Ana Rosario Hernandez
I am not sure where you’re getting your info, but great
topic. I needs to spend some time learning much more or understanding more.
Thanks for fantastic information I was looking for this information for my mission.
28813 97585You created some first rate factors there. I regarded on the web for the issue and located most people will associate with with your web site. 975236
993524 960388I need to admit that this is 1 excellent insight. It surely gives a company the opportunity to get in on the ground floor and genuinely take part in creating something particular and tailored to their needs. 950161
81218 433705i could only wish that solar panels cost only several hundred dollars, i would love to fill my roof with solar panels- 755087