Labis na ikinalulungkot ng Department of Health (DOH) ang pagbagsak ng isang eroplano sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakalawa ng gabi, na ikinamatay ng walong sakay nito.
Ayon sa DOH, nakikidalamhati sila sa naganap na trahedya.
Sinabi ng DOH na ang Lionair Inc., na siyang may-ari ng eroplano, ay ka-partner nila sa paghahatid ng medical supplies sa Visayas at Mindanao para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“Lionair, Inc. is a partner of the Department of Health in serving the people of Visayas and Mindanao. The Philippine -based firm has been instrumental in transporting medical supplies to hospitals in these two regions,” anang DOH.
Nabatid na ilang oras bago ang aksidente ay katatapos lamang umano ng piloto at mga crew ng Lionair West Wind 24 aircraft na mag-deliber ng mga health supplies sa Zamboanga, Mactan, Iloilo at sa Butuan.
Patungo sana uli ang grupo sa Japan para sa isang ‘medical evacuation mission’ nang maganap ang aksidente.
Nasawi lahat ang walong sakay nito, kabilang na ang piloto, crew at mga health workers na pasahero nito.
“We would like to offer our sincerest condolences to the family and friends of the victims involved in the crash. Our thoughts and prayers are with you during this difficult time,” ayon pa sa DOH.
Ayon kay CAAP spokesman Eric Apolonio, nasa medical evacuation mission patungong Haneda, Japan ang eroplano na isang chartered plane ng DOH upang kumuha ng iba pang medical supplies na naiwan sa Japan na gagamitin ng pamahalaan sa pakikipaglaban ng COVID-19.
Dahil sa aksidente ay lahat ng aircraft ng Lion Air ay grounded o hindi maaring mago-operate na walang clearance galing sa CAAP. ANA R HERNANDEZ, FROI MORALLOS
Comments are closed.