NAKATANGGAP ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng 250 doses ng pneumonia vaccine mula sa Department of Health (DOH).
Ibinunyag ng DOH na ang pneumonia vaccine ay isa sa pinakamabisang bakuna kontra sa malubha at potential fatal pneumonia infections na kadalasan nararanasan ng mga matatanda.
Nitong Martes ng hapon, nagsimulang mamahagi ang Navotas City Health Office ng mga bakuna sa mga senior citizen na pinili ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) chapters.
Nauna rito, iniulat ng University of the Philippines (UP) Population Institute na ang pneumonia ay itinuturing na isa sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay ng senior citizens na edad 60 pataas.
Sa bilang na ito, sinabi ng Philippine Society of Microbiology and Infectious Diseases (PSMID), ang UP Population Institute ay lubos na inirerekomenda ang mga taong may edad 60 pataas na mabigyan ng pneumococcal vaccine upang tugunan hindi lamang ang pneumonia kundi pati na rin ang trangkaso.
EVELYN GARCIA