NANINDIGAN si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang nagaganap na panibagong surge ng COVID-19 cases sa bansa.
Ito’y sa kabila ng pagtaas ng mga naitatalang kaso ng sakit nitong mga nakalipas na araw.
Ayon kay Vergeire, sa ngayon ay hindi pa ikinaklasipika ng DOH na ‘surge’ ang pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Paliwanag niya, sa isang panayam sa telebisyon, “Kasi ang tinitignan natin kapag we use surge, we relate it to the healthcare capacity of the country. For example sa NCR (National Capital Region), nasa moderate risk pa lang ‘yung mga gamit natin, so we cannot really classify this as a surge.”
Aminado naman si Vergeire na posibleng isa sa mga factor ng pagtaas ng mga kaso ng sakit sa bansa ay ang Delta variant case ng COVID-19.
“Nakikita naman ho natin ‘yung factor ng variant dito sa pagtaas ng mga kaso sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas,” aniya pa.
Gayunman, nakakadagdag din dito ang ibang factors, gaya ng mobility ng mga tao at poor compliance sa health protocols. Ana Rosario Hernandez
615250 917426I gotta bookmark this website it seems quite helpful . 484669
381366 680114Definitely pent topic matter, appreciate it for selective information . 194308
121704 837128really great post, i undoubtedly truly like this outstanding site, continue it 110991
721402 320897This sort of considering develop change in an individuals llife, building our Chicago Pounds reduction going on a diet model are a wide actions toward making the fact goal in mind. shed weight 908843