DOH PATULOY SA COVID-19 RESPONSE PROTOCOL

IPAGPAPATULOY  pa rin ng Department of Health (DOH) ang kasalukuyang COVID-19 response protocol hanggang sa mayroon nang italaga na bagong kalihim ng kagawaran.

Ayon sa DOH, tuloy pa rin ang COVID-19 response gayundin ang non-COVID health matters sa ilalim ng pangangasiwa ng senior DOH official na magbabantay sa mga specific bureau, units at opisina.

Anila, maghihintay ang kagawaran at handa sila sa pag-aanunsiyo ng susunod na secretary ng DOH.

Samantala, patuloy naman ang National COVID-19 vaccination Operations Center (NVOC) at mga vaccination sites sa kanilang kasalukuyang operasyon sa pamamahagi ng mga bakuna at booster dose sa eligible population sa ilalim ng liderato ni health undersecretary Maria Rosario Vergeire. DWIZ882