INAG-AARALAN na ng Department of Health (DOH) na bumili ng mga bakuna kontra monkeypox virus na nagsisimulang kumalat sa ibang mga bansa.
Ito ang pahayag ng DOH sa gitna ng pagdami ng mga bansang tinatamaan ng monkeypox.
Dagdag ng DOH, wala sa national immunization program ngayon ng pamahalaan ang pagbabakuna kontra monkeypox atv bagama’t wala pang kaso ng monkeypox sa bansa, mas makabubuti na ang maging handa sakaling magkaroon ng outbreak.
Una nang sinabi ng World Health Organization na may mga bakuna nang ginagawa ngayon bilang panlaban sa monkeypox.
Pero sa ngayon, iisa pa lamang ang naaprubahan ng WHO.