ISINALIN na ng mga opisyal ng Cavite provincial government sa Department of Health (DOH) ang pangangasiwa sa Southern Tagalog Regional Hospital na dating kilala sa tawag na Bacoor District Hospital upang matiyak na magiging available at accessible sa loob ng 24-oras sa kanilang mga mamamayan ang health services na kinakailangan ng mga ito.
Pinangunahan nina Cavite Cong. Strike Revilla, Vice Governor Jolo Revilla at Mayor Lani Mercado-Revilla ang pagtu-turn-over ng pagamutan sa DOH, na kinatawan naman nina Undersecretary Gerardo C. Bayugo, Assistant Secretary Maria Francia M. Laxamana at Regional Director Eduardo C. Janairo.
Nabatid na ang naturang pagamutan ay naitatag ng provincial government noong 2011 sa bisa ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 084 2012 at nagsilbi bilang primary public hospital.
Ang 5,000 square meters na lote na kinatatayuan ng pagamutan ay idinonate ni dating Senator Ramon Revilla Sr., habang pinasimulan nina Senator Bong Revilla Jr. at ng kanyang maybahay na si Mayor Lani ang pagtatatag ng pagamutan noong 2010.
“I applaud the Caviteños for initiating the establishment of this facility and envisioning a public hospital that will accommodate the medical needs especially of the unprivileged sector of our society. Rest assured we will continue its vision of ensuring effective and efficient public health service to all,” ayon kay Janairo sa naturang seremonya.
“This health facility will not only cater to the people of the province of Cavite but the whole of CALABARZON as well. We now have two apex hospitals in the region that will provide health care to all,” aniya pa. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.