DOH TALI ANG KAMAY SA PAG-AARAL SA MEDICAL MARIJUANA

MEDICAL MARIJUANA-2

AMINADO ang Department of Health (DOH) na hindi sila maaaring makapagsagawa ng full blast na pag-aaral kaugnay sa medical marijuana dahil sa kawalan ng batas hinggil dito.

Ito ang tugon ni Health Undersecretary Eric Domingo sa ginanap na press briefing kahapon sa Malakanyang makaraang aminin ni dating pangulo at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na gumagamit siya ng medical marijuana kapag bumibisita sa ibang bansa na gumagamit ng ganitong uri ng paggagamot.

“Right now, there are several agencies actually studying it,” wika ni Domingo.

Ayon kay Domingo sa ngayon ay may ginagawang pag-aaral ang  Dangerous Drugs Board, the Philippine Drug Enforcement Agency, at Philippine Institute for Traditional Alternative Healthcare suba­lit hindi naman ito makapag-fullblast dahil aniya sa kawa-lan ng kaukulang batas kaugnay nito.

“But we cannot full blast into studying the actual product because it is not listed as registrable product with FDA (Food and Drug Authority) at this time,” sabi pa ni Domingo.

“There’s no law listing it as a registrable product. The government cannot spend money for the research in a product that is not registered in the Philippines,” dag-dag pa ni Domingo.

Sa ngayon, ang posibleng gawin ay maghintay lamang ang FDA ng enabling law na magbibigay pahintulot upang payagan itong maging “registrable product” na magbibigay -daan upang  mapondohan ang  isasagawang clinical researches para rito.

“So right now we don’t have any clinical studies,” ani Domingo.

Noong Martes ay sinabi ni  Arroyo sa mga mamamahayag na naniniwala siya sa medical cannabis at kapag nasa ibang bansa na pinapayagan ang medical marijuana ay gumagamit siya nito at naglalagay ng pain patch sa kanyang cervical spine.

Isinusulong ni Arroyo ang pagpapasa ng  House Bill 6517 na magbibigay daan sa legal na paggamit ng medical marijuana sa bansa.    EVELYN QUIROZ

 

Comments are closed.