KINONTRA ni Health Secretary Francisco Duque ang go signal ng Department of Energy (DOE) kaugnay sa muling paggamit sa Euro 2 Compliant Diesel Fuel.
Sinabi ni Duque na dapat isinaalang-alang ng DOE ang kalusugan ng mga tao dahil mayroong negatibong epekto ang nasabing uri ng diesel kaya’t tinanggal na ito.
Magugunitang plano ng DOE na muling payagan ang paggamit ng Euro 2 diesel para makatulong sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Nitong Biyernes ay inatasan ng DOT ang oil industry players na mag-alok ng Euro 2-compliant diesel bilang pamalit para sa transport at industry sector upang mapagaan ang epekto ng inflation.
Ang Euro 2 diesel, na nagtataglay ng mataas na sulfur, ay mas mura ng P0.28 anggang P0.30 sa Euro 4 base sa pagtataya ng Energy Department.
“Kumbaga sa menu ng bibilhin ng isang gagamit ng diesel, pag dumating siya sa isang gasolinahan, dapat may available din na Euro 2 compliant,” pahayag ni DOE Spokesperson Undersecretary Wimpy Fuentebella sa meeting sa House of Representatives.
Inihayag din umano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na negligible naman ang magiging impact. Mina-match lang talaga umano ang makina ng mga sasakyang tumatakbo na sa mga kalye.
Inatasan din ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang Philippine National Oil Company-Exploration Corporation (PNOC-EC) na mag-angkat ng murang petrolyo. NENET V.
Comments are closed.