WALANG nakitang pagtaas ang Department of Health (DOH) sa mga kaso ng Covid-19 sa bansa, sa kabila ng pagbaba ng restriksyon sa Metro Manila at 38 pang lugar nitong nakalipas na dalawang linggo.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergiere, patuloy ang istriktong pagmonitor ng DOH sa galaw ng publiko upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa minimum health protocols.
Nitong Marso 7, sinimulan ng DOH ang lingguhang paglalabas ng COVID-19 case bulletin dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Posible namang bumaba sa 300 hanggang 500 ang maitatalang arawang kaso sa bansa sa katapusan ng Marso batay sa sinabi ng OCTA research team.