NGAYONG buwan ay malalaman na ng sambayanan ang gagawing pagreresolba ng Department of Justice ukol sa mga kasong may kinalaman ang Dengvaxia.
Siguradong binabantayan na ‘yan ng sambayanan na hustisya ang matagal nang isinasamo sa pamahalaan ukol sa mass murder na ito.
Nakapagtataka nga lamang na sa listahan ng mga kinasuhan sa DOJ ay wala ang pangalan ni dating pangulong Noynoy Aquino at Butch Abad.
Ang kinasuhan lamang ay ang dating DOH secretary Janette Garin, kasalukuyang DOH Secretary Francisco Duque, at ang iba pang opisyal ng DOH na sina Vicente Belizario Jr., Kenneth Hartigan-Go na konektado pala sa local distributor ng Dengvaxia, Lyndon Lee Suy, Irma Asuncion, Julius Lecciones, Joyce Ducusin, Rosalind Vianzon, at Mario Baquilod; mga opisyal ng Food and Drug Administration na sina Ma. Lourdes Santiago at Melody Zamudio; at mga opisyal ng Research Institute for Tropical Medicine na sina Socorro Lupisan at Ma. Rosario Capeding.
Para sa taumbayan, nararapat lamang na ikulong na at parusahan ang mga nagpilit na isaksak ang Dengvaxia sa higit sa 830,000 na mga mag-aaral na Filipino.
Sinamantala ng mga ito ang kahirapan ng mga Filipino upang magamit na pag-eksperimentuhan ng gamot na nakamamatay. Higit sa 800 na ang namamatay na mga bata na iniimbestigahan at hinihinalang kagagawan ng Dengvaxia.
Hindi alam ng mga batang nasaksakan ng Dengvaxia at ng kani-kanilang mga pamilya na mapanganib ang experimental vaccine na ito para sa mga taong hindi pa nagkaka-dengue o sa mga seronegative individuals.
Ito naman ay inamin ng kompanyang manufacturer ng Dengvaxia, ang Sanofi Pasteurs, na inanunsiyo nito noong Nobyembre 2017 na makasasama ang Dengvaxia at maaaring magdulot ng nakamamatay na severe dengue at iba pang severe diseases sa mga natuturukan na hindi pa nagkaka-dengue o mga seronegative individual.
Kaya naman agad-agad ding pinullout ng Department of Health ang nasabing nakamamatay na vaccine mula sa merkado matapos malaman ito.
Ang World Health Organization ay nagbabala na rin ngayong taon, na inirerekomendang maghanap ng mas ligtas na pamamaraan sa pag-administer ng Dengvaxia dahil na nga din nakamamatay ito para sa mga hindi pa nagkaka-dengue.
Sinabi rin ng WHO na maghinay-hinay sa pagte-testing ng mga inaaral na vaccine sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue at sa mga nagkaroon na, at mas maiging itesting muna ang mga ito para malaman kung sila nga ba ay seronegative o hindi bago i-administer ang nasabing nakamamatay na gamot.
Ito’y bunsod na rin sa ginawa nina Noynoy, Garin et al na pagtuturok sa higit sa 800,000 na mga mag-aaral sa elementarya na naglagay sa kanilang mga buhay sa kapahamakan, ang iba nga’y namatay na.
Samantala, ayon sa ilang observer, malaking scam ang claim ng Sanofi na ang Dengvaxia ay epektibo para sa mga batang nagkaroon na ng dengue, sa kadahilanang bakit pa ituturok ito sa mga batang nagkaroon na ng dengue kung magaling na ang mga ito?
“When a child survives a Dengue infection, that could only mean that his autoimmune system has ad-equately developed enough antibodies against it. Ergo, no more Dengue vaccination is needed,” pahayag ng isang observer.