DOJ NAGMOSYON SA KORTE PARA SA PAG-ARESTO KAY TRILLANES

DOJ

NAGSAMPA ng panibagong mosyon ang Department of Justice (DOJ) sa Makati Regional Trial Court upang maaresto na si Senador Antonio Trillanes.

Naghain ng very urgent ex-parte motion ang DOJ na humihiling na maglabas ang Makati Regional Trial Court Branch 150 ng warrant of arrest at hold departure order kaugnay sa kasong rebelyon.

Maliban pa ito sa kaparehong mosyon na isinampa ng DOJ sa Makati RTC Branch 148 na may hawak ng coup d’etat laban sa senador.

Umaasa si Acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na aaksiyunan agad ng korte ang kanilang mosyon.

Nauna rito imbes na magpalabas ng alias warrant of arrest ay binigyan ng panahon ng Makati RTC Branch 148 si Trillanes upang sagutin ang mosyon ng  DOJ.

Magugunita na pina­walang bisa ni Pangulong  Rodrigo Duterte ang amnesty kay Trillanes na nanguna   sa 2003 Oakwood mutiny at 2007 Manila Penin­sula siege.  TERESA CARLOS

Comments are closed.