(DOJ pabor sa desisyon ng MMDA) E-TRIKE BAN SA MAJOR ROADS

PINABORAN ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal sa major roads ang mga electric vehicle tulad ng e-trike.

Ayon kay Justice Undersecretary Margie Gutierrez, tama lang ang desisyon ng MMDA na huwag payagan gumamit ng mga major road ang mga e-trike.

Ito ay dahil sa mapanganib para sa mga pasahero at driver kung makikipagsabayan sa malalaking mga sasakyan ang paggamit ng e-trike.

Aniya, hindi lamang sa Metro Manila ipagbabawal ang e-trike sa mga major roads bagkus ay maging sa mga probinsya.

Noong nakaraang Linggo, nagdesisyon ang MMDA at LTO na pagbawalan ang mga gumagamit ng electric vehicle sa major road dahil hindi ito ligtas para sa mga driver at pasahero.

Hindi rin daw nakarehistro sa LTO ang mga sasakyan na ito at wala ring drivers license ang karamihan sa mga nagmamaneho.
EVELYN GARCIA