DOJ PINAG-AARALAN ANG NEXT STEP KAY TRILLANES

Justice Secretary Menardo Guevarra

PINAG-AARALAN na ng Department of Justice (DOJ) ang susunod nitong aksyong legal matapos na iba­sura ng Makati Regional Trial Court (RTC) ang kahilingan nilang isyuhan ng warrant of arrest si Senator Antonio Trillanes IV kaugnay ng kasong kudetang kinaharap nito dahil sa 2003 Oakwood mutiny.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, tatalakayin nila ang susunod na aksiyon kasama si ­acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon.

Nauna rito, ibina­sura ng Makati court Branch 148 ang hiling ng DOJ na ipaaresto si Trillanes.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi nila iaapela ang hatol ng mababang hukuman at sa halip ay direkta na itong kukuwestiyunin ng Office of the Solicitor General sa Court of Appeals (CA).

“It is the DOJ who will decide what legal step to take,” aniya pa sa isang text message. “We will have to discuss our strategy together with PG Fadullon.”   ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.