SULU -ISANG doktor na dinukot ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang naisalba ng Philippine Army sa Jolo.
Ayon kay Army Spokesman Col Ramon Demi Zagala, batay sa ulat na ibinahagi ni AFP Western Mindanao Command Chief Cirilito Sobe-jana kay Army Commanding General Ltgen Gilbert Gapay na iligtas ng mga tauhan ng 11th Military Intelligence Battalion sa pangunguna ng 1102nd Brigade si Dr. Daniel Moreno sa kabundukang sakop ng Indanan.
Bago natagpuan s Moreno ay napalaban muna ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines At Philippine National Police Intelli-gence units sa mga kasapi ng ASG sa ilalim ng pamumuno ni Mundi Sawadyaan sa Barangay Bangalan.
Dahil sa tindi ng bakbakan at bagal tumakbo ng doktor ay napilitan pakawalan na lamang ito ng mga rebelde.
Agad na itinakbo ng WESTMINCOM intel operatives ang manggagamot sa hospital para sumailalim sa pagsusuri at custodial defriefing ng mga tauhan ng Philippine Army.
Si Moreno ay dinukot ng apat na armadong kalalakihan sa loob ng kanyang klinika sa Barangay Walled City noon nakalipas na Pebrero. VERLIN RUIZ