NAGBABALA kahapon ang Department of Health (DOH) na mahaharap sa parusa ang mga doktor na nagrerekomenda at nag-a-administer ng booster shots ng COVID-19 vaccines sa kanilang mga pasyente.
Hindi pa naman tinukoy ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung anong klaseng sanction ang maaaring kaharapin ng mga doktor ngunit sinabing hindi pa pinapayagan ang booster shots ng COVID-19 vaccines sa bansa dahil na rin sa kakulangan pa ng bakuna.
Ang pahayag ay ginawa ni Vergeire bilang reaksiyon sa pagbubunyag ni San Juan Representative Ronaldo Zamora na nabakunahan na siya ng Sinopharm vaccine at nakatanggap pa ng booster shots upang protektahan ang kanyang sarili laban sa COVID-19.
Sa isang pulong balitaan sa San Juan City, inamin ni Zamora, na ama ni San Juan Mayor Francis Zamora na naturukan na siya ng dalawang dose ng Sinopharm noong Disyembre.
Bukod dito, nakatanggap pa aniya siya ng dalawa pang shot ng bakuna bilang booster shots.
“Noong December, na-vaccinate ako — ewan ko kung dapat kong sabihin ito, Sinopharm,” anang mambabatas.
“Kung nagtataka kayo kung bakit si Congressman Zamora ay hindi na nagma-mask, sasabihin ko sa inyo: I have been vaccinated, twice, twice over,” aniya pa.
Ipinaliwanag naman ng mambabatas na ito ay dahil na rin sa rekomendasyon ng kanyang mga doktor dahil sa kanyang pagiging-“immunodeficient.”
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Vergeire na, “Hindi kami na-inform about this matter. This is something that they did between the individual and physician.”
“Mixing and matching booster doses ay hindi pa narerekomenda ngayon dahil hindi pa kumpleto ang ating ebidensya,” dagdag pa niya sa isang pulong balitaan.
Aniya pa, maaari ring maharap sa sanctions ang mga doktor kung magrerekomenda ng iba’t ibang brand ng COVID-19 jabs sa kanilang mga pasyente dahil hindi pa aniya tukoy ang kaligtasan at bisa nang mixing at matching ng mga bakuna.
“Sana sumunod tayo, mag-align tayo sa protocols ng gobyerno,” pahayag pa niya. “Kapag may violations po tayo sa mga ganito ay maaari tayong magkaroon ng sanctions.”
“Itong mga booster hindi din po din natin hinihikayat sa ngayon because we want to focus on equity,” aniya pa. Ana Rosario Hernandez
414791 247564Hello! I just now would select to supply a enormous thumbs up with the wonderful information you can have here within this post. I will likely be coming back to your weblog site for additional soon. 993255
415386 732648Can you give me some ideas for piece of software writing? 802773